Una sa Balita

Vote buying talamak – PNP

0 177

By Vick Aquino

Hindi maiiwasan ang vote buying ngayong darating na eleksyon kaya naman sa kabila ng police monito­ring at police visibility sa bawat sulok ng bansa ay may naitatala pa ring mga kaso ng bilihan ng boto.

Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), bumaba ang mga insidente ng karahasan bago ang eleksyon pero tumaas naman ang bilang ng mga kaliwa’t kanang vote buying sa bansa.

May naitala na 32 kaso ng pre-election violence ngayong taon na kung saan ay malaki ang pagbaba nito kumpara sa 106 noong 2016 elections habang noong 2013 ay nasa 94 ang kaso ng karahasan na may kinalaman sa halalan at nasa 138 ang naitalang karahasan noong 2010.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, ito ay dahil posibleng naka-focus ang mga politiko sa vote-buying na alam nilang numero unong kailangan ng mga tao kumpara sa paghaha­sik ng karahasan na kung saan alam nilang kapwa nila kandidato ang kanilang kalaban.

Sa kasalukuyan, nasa 15 na ang naitalang reklamo ng vote-buying ang nasa ilalim ngayon ng imbes­tigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at nasa 10 kaso ng vote-buying ang naiparating na sa law department­ ng Commission on Elections ­(Comelec).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy