Una sa Balita

Vote buying sa Abra inamin ng Comelec

0 377

INAMIN ng Commission on Elections-Bangued (Comelec-Bangued) sa Abra na may mga napapabalitang insidente ng vote buying sa nasabing bayan.

Ayon kay Comelec-Bangued election officer Atty. John Paul Martin, bagama’t may nauulat na vote-buying sa Bangued, Abra, walang sapat at walang matibay na ebidensiya laban sa mga umano’y nagsasagawa ng vote buying doon.

Sinabi ni Martin, sa ngayon ay nananatiling nasa ilalim ng ‘red category’ ang nasabing bayan

Inaabangan na ng Comelec-Bangued ang delivery sa mga Vote Counting­ Machine (VCM) na gagamitin sa halalan.

Posibleng mai-deliver ang mga VCM sa huling linggo ng Abril o kaya naman ay sa unang linggo ng Mayo.

Samantala, nais tiyakin ng Comelec-Bangued na sapat ang suplay ng kuryente na magagamit sa Bangued, Abra sa darating na halalan.

Dahil dito, makikipag-ugnayan ang Comelec-Bangued sa Abra Electric Cooperative (ABC) at National Grid Corporation of the Philippines (NGOP) para sa mga hakbang para matiyak na sapat ang suplay ng elektrisidad.

Ayon kay Martin, kaila­ngang may sapat na suplay ng elektrisidad para may ilaw na magagamit ang mga botanteng hahabol sa pagboto sa oras ng alas-sais nang gabi. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy