Una sa Balita

Volcanic tsunami posible – Phivolcs

0 311

Posible umano na magkaroon ng volcanic tsunami kapag tumaas sa alert level 5 ang Taal Volcano.

Ayon sa Phivolcs, ang alert level 5 ang pinakamataas na threat level.

Nagmimitsa umano ng volcanic tsunami ang mga falling debris matapos ang pagsabog ng bulkan.

Maaaring maitulak ng mga debris ang tubig at makalikha ng malalaking alon sa karagatan.

Hindi man anila ito kasing taas ng earthquake tsunami, makakapinsala pa rin ito sa mga tao.

“These kinds of hazards have happened during major eruption events, such as in the 60s and 1911 eruptions. It’s not that high compared to typical earthquake tsunami in open seas but this can damage and impact people if they are on the shore,” paliwanag ng Phivolcs.

Kaya nagpaalala si Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum sa mga residente na malapit o nasa palibot ng aktibong bulkan na sumunod sa evacuation order. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More