Una sa Balita

Vogel lampake sa nakaraan ni LeBron

0 348

SA NBA career ni LeBron James, nagkaroon siya ng reputasyon nakikialam sa kanyang coach.

Minsan nga raw ay hindi siya sumusunod.

Ganun siguro ang mga mahuhusay na player.

Naka-apat na team na si LeBron kung ibibilang ang pagbalik niya sa Cleveland na nilayasan para lumipat sa Miami. Nasa pangalawang season siya ngayon sa Lakers.

Pero magiging pang-walong coach na niya si Frank Vogel na bagong sampa rin sa Los Angeles.

Tumatak ang reputasyon ni James sa pagbalik niya sa Cavaliers nang sibakin ang noo’y coach na si David Blatt at pinalitan ng assistant niya dating si Tyronn Lue.

Wala namang narinig na isyu si James kay Luke Walton noong nakaraang season sa Lakers, pero nasibak din ang coach.

Pero ayaw pag-aksayahan ng panahon ni Vogel ang isyu ni LeBron sa kanyang mga dating coach.

“I only know how he’s been with me. That’s the only measuring stick I’m going to use. I’m not going to look at how it’s been with his past coaches,” pahayag raw ni Vogel. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy