Una sa Balita

Vodka, sauna pangontra sa coronavirus ng Belarus

0 846

Sa bansang Belarus, naniniwala ang kanilang presidente na kayang puksain ang coronavirus ng vodka at pagbabad sa sauna.

Ayon kay President Alexander Lukashenko, ang pag-inom ng 40 hanggang 50 ml ng vodka ay makatutulong para maproteksyunan ang katawan laban sa virus.

“People should not only wash their hands with vodka but also poison the virus with it,” payo ng presidente sa interview ng The Times of London.

Nirekomenda rin ni Lukashenko ang pagbabad ng mga tao sa sauna at pagkatapos ay magbanlaw ng vodka sa katawan.

Hindi bilib si Lukashenko sa pagpapatupad ng lockdown dahil nanood pa ito ng hockey upang maipagyabang sa buong mundo na walang virus sa kanyang bansa.

Kinumpirma na ng Belarus ang 100 kaso, pero wala pang naitatalang namatay.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More