Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vlogger Roi Oriondo ‘Bae ng Masa’

0 86

Sa dami ng mga YouTuber ngayon sa bansa mistulang ang mundo ng social media ay kakabit na ng showbiz, minsan ay napapansin ka at minsan naman ay matabang ang iyong kapalaran pero marami pa rin naman ang nag-i stand out.

At ang kwentong tampok natin ngayong araw ng Miyerkoles ay talagang ikatutuwa ng mga netizens lalo na ang mga chismosa nating kapitbahay.

Si Roi Oriondo isa sa mga tumatak ang pangalan sa mundo ng social media dahil sa kanyang angking kakisigan, kakulitan at pang masang mga vlog, kaya naman siya ay tinaguriang vlogger bae ng masa.

Pero sino nga ba si Roi Justine Oriondo? Kaya kung excited kana na usisain ang kanyang buhay halina’t mas kilalanin pa natin siya.

Si Roi ay isang proud Batangueño, ipinanganak noong March 4, 2001. Ang 19-anyos na vlogger ay kasalukuyang nag-aaral sa Lyceum of the Philippines University sa Batangas sa kursong Tourism Management.

Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa pag-aaral ay nagagawa pa rin nitong pagsabayin ang eskwela at ang pagiging isang social media influencer.

Nagmula sa simpleng pamilya lamang si Roi kaya hindi rin nito inasahan ang kasikatan na kanyang tinatamasa ngayon.

Pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga fans, pagiging totoo sa kanyang mga vlog at pananatiling laging nakaapak sa lupa ay mas minahal pa siya ng taong bayan at bonus na lamang jan ang kanyang kakisigan kaya naman kilig na kilig na ang mga netizens lalo na ang mga millennials.

Pero alam niyo ba na bago pa man sumikat si Roi sa larangan ng pagba-vlog noong taong 2018 ay una muna nitong sinubukan ang pag-momodelo kaya siya ay naparangalan bilang Teen Super Model of the Philippines.

Ngunit sa kabila ng ningning ng kanyang bituin marami rin itong pinagdaanan sa buhay. Kaliwa’t kanang issue ang ipinukol kay Roi pero dahil sa gabay ng kanyang pamilya at suporta ng kanyang girlfriend ay nanatili itong matatag at may paninindigan.

Sa kasalukuyan ay unti-unti pang binubuo ni Roi ang kanyang mga pangarap sa buhay at marami mang balakid na pilit humaharang sa kanila ng kanyang girlfriend ay pilit nilang pinag pupursigihan na malampasan lahat ng ito.

Bagama’t hindi pa man dumarating sa puntong na abot na ni Roi ang rurok ng tagumpay sa karerang kanyang tinatahak ay buhos naman ang biyayang natatanggap nito na kamakailan nga lamang ay kinuha siyang brand ambassador ng isang kilalang produkto.

Kaya naman ang tanong ngayon ng mga netizens at ng mga chismosa nating kapitbahay, ano nga ba ang mga dapat abangan kay Roi Oriondo ngayon taong 2021 may balak na rin nga ba siya na pasukin ang mundo ng showbiz?

Well si Roi lamang ang makakasagot ng lahat ng yan.

Kaya Roi mula naman sa iyong mosang kapitbahay, always stay humble and goodluck sa career!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.