Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vlogger Ranz Kyle, Milissa Grande Jowa goals

0 245

Sibling goals, squad goals at fam goals yan ang madalas na content ng magkapatid na sina Ranz Kyle Ongse at Niana Guererro sa kanilang mga vlog pero nitong nakaraang buwan mistulang malaki na ang pagbabago sa mga video ni Ranz kung dati ay puro challenges at pranks ang kanyang ginagawa sa bawat vlog na kaniyang ina-upload, ngayon ay halos mature na ang mga content nito at luma-lovelife pa.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na bago pa man sumikat si Ranz bilang isang vlogger mas una muna natin siyang minahal bilang isa sa mga miyembro ng grupong Chicser (Woohh! Kaway-kaway sa mga millennials).

Taong 2010 ng unang namayagpag ang kanilang grupo kasabayan nila ang internet sensation din na sina Jam Sebastian at Michelle Liggayu na mas kilala sa tawag na JaMich.

Kaliwa’t kanan ang mga guesting at patong-patong na mga proyekto ang naka-hain sa Chicser noong mga panahong kasikatan nila, ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil hindi kalaunan ay bigla na lamang nanamlay ang kanilang karera.

At nang taong 2012 dito na sinimulan ni Ranz na pasukin ang larangan ng pagba-vlog. Lumipas ang maraming taong ay unti-unti ng nakilala si Ranz hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, kasama niya rito ang kanyang forever tandem at kapatid na si Niana Guerrero.

Kung dati ay mga event lamang dito sa Pilipinas sila na iimbitahan ngayon ay maging sa abroad ay naiimbitahan na rin sila. (Pero siyempre noong wala pang pandemic yan Lol!).

Samantala kamakailan lamang ang tandem nina Ranz at Niana kahit na sa lovelife ay nagtutulungan pa rin sila. Yes! confirmed na nga na jowa na ni Ranz ang Fil-Canadian Vlogger na si Milissa Grande. Ilang beses na rin naman naisama ni Ranz sa kanyang mga video si Milissa mapa travel, prank at challenges mapapa sana all ka nalang talaga dahil ang dating sibling goals, jowa goals na ngayon.

Masayang-masaya naman ang mga faney ni Ranz dahil love goals na ang mga latest vlog na kaniyang ina-upload, subalit ang masayang lovelife na sana ay naunsiyami pa dahil kinailangan bumalik ni Milissa ng Canada upang makasama ang kanyang pamilya.

Well hindi pa namam dyan nagtatapos ang love story ni Ranz at Milissa marami pa tayong dapat na abangan kaya paka tutukan lang ang Ranz and Niana youtube channel para sa mas marami pang update.

Leave A Reply

Your email address will not be published.