Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vlogger nag-swimming sa fountain, kalaboso

0 58

Kapalit ng maraming like at share sa social media, isang vlogger ang ginawang swimming pool ang isang fountain sa Cagayan de Oro.

Pero dislike ang naging reaksyon ng awtoridad na sumita sa 20-taong gulang na vlogger na si Jeremy Hallazgo at ang dalawang iba pa na nagsilbing cameraman at editor. Suot ang kanyang pink na boxer short, nilangoy ni Hallazgo ang fountain ng Gaston Park kaya hinuli ng mga awtoridad at pinatawan ng community service.

Nataon na maraming tao ang namamasyal sa park sa oras na iyon at karamihan ay galing sa kalapit na simbahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na karamihan sa mga ginagawa ni Hallazgo sa kaniyang vlog ay bilang pagtupad sa mga hamon o request ng kanyang follower.

Sasampahan na sana sina Hallzago at ang kanyang mga kasama ng alarm at scandal, pero pinatawad sila at inisyuhan na lang sila ng local government ng ordinance violation receipt at pinatawan ng community service.

Humingi ng tawad si Hallazgo at nangakong hindi na uulitin ang ginawang challenge. Nanawagan din siya na huwag siyang gayahin. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.