Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vladimir pumalo ng 2 MLB record

0 6

SA isang swing lang, dalawang record ang inilista ni Vladimir Guerrero Jr. nitong Lunes ng gabi.

Binasag ni Guerrero ang pagkakabuhol nila ni Los Angeles Angels two-way player Shohei Ohtani sa most home runs ngayong season.

Pinalipad ni Guerrero ang kanyang 45th homer sa sixth inning, bumato si Alek Manoah ng eight scoreless innings, at nilampaso ng Toronto Blue Jays ang Tampa Bay Rays 8-1.

Nilagpasan din ni Guerrero ang single-season high ng ama niyang Hall of Famer. Nilista ni Vladimir Sr. ang record sa Montreal noong 2000.

Pinitik ni Guerrero Jr. ang 113 mph pitch ni left hander Adam Conley tungo sa left-field line.

Isang hit lang ang nakalusot kay Manoah, walang binigay na walk at naka-strike out ng 10. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.