Una sa Balita

Vivoree nagdusa sa gown

0 398

Hinangaan ng fashion stylist na si Vanessa Mercado ang batang aktres na si Vivoree Esclito sa patuloy na pagrampa at pananatiling positibo nito sa kabila ng aberya na nangyari sa kanyang suot na gown sa ABS-CBN Ball kamakailan.

Ibinunyag kasi ng isang fan account ang hindi inaasahang pangyayari sa suot na gown ng aktres noong gabing iyon.

“Hustisya para kay Vivoree Esclito at sa buong team niya!”

Sigaw ng fan sa IG Story.

Ayon pa sa isinaad ng fan account, hindi pa umano tapos ang gown nang dumating ito sa aktres at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang ABS-CBN Ball.

Inilantad pa nito ang account ng designer ni Vivoree sa publiko with caption na: “First of all ito pala yung walangyang designer na pinadala ng later yung gown ni vivoree same day ng ball na hindi pala tapos na napag na design!”

Pinaulanan nga ng mga fan ng pambabatikos ang naturang designer dahil kawawa umano ang batang aktres.

Ipinakita rin ng fan account na umiyak ang designer dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

“Diba? Like wtf? Girl you had just one job di mo pa nagawa. Sana di mo nalang tinanggap kung di mo kaya tapusin or sana ininform mo stylist ni Vivoree,” dagdag pa ng netizen.

Nakiusap naman ang mga tagahanga ng designer na tigilan na ang pamumudmod ng negatibong komento laban dito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy