Una sa Balita

Viva Morena bumandera

0 231

MAAGANG nagkadehaduhan sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite noong Linggo matapos manalo ni Viva Morena sa “Four-Year-Old & Above Stakes Race” na pinasibat sa unang karera.

Bumanderang tapos si Viva Morena upang silatin ang outstanding favourite na si Hitting Spree na nirendahan pa ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey of the year awardee Jonathan Hernandez.

Sakay si class A rider Dan Camañero, sinung­gaban agad ni Viva Morena ang una­han sa largahan at apat na kabayo agad ang lamang sa humahabol na si Hitting Spree.

Papalapit sa far turn ay unti-unting umusad si Hitting Spree, pero hindi pumayag si Camañero na makalapit nang todo ang mga kalaban kaya niluwagan niya nang bahagya ang pagrenda sa winning horse na si Viva Morena. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy