Una sa Balita

Vista, 2 pa pinadala ng Allianz sa Munich

0 223

SA ikatlong sunod na taon ay nagpadala ng mga kabataang football player ang Allianz Philippines para kumatawan sa bansa sa Allianz Explorer Camp-Football Edition sa Munich, Germany.

Doon ay naranasan ng mga piling kabataan mula sa 22 bansa ang magsanay kasama ang ilang sikat na manlalaro ng World Cup champion FC Bayern.

Ang tatlong Pinoy na ipinadala sa Munich na pinili mula sa iba’t ibang Allianz regional training camp sa bansa ay sina Marian Vista ng ‘Tuloy Sa Don Bosco Foundation’ para sa Luzon; Jodi Mari Banzon ng ‘Cebu Elite FC’ para sa Visayas at Ralf Andre Ebuna ng ‘Corpus Christi FC’ para sa Mindanao.

“Allianz has always been a staunch advocate of football development from the grassroots level. We want to discover talents from different areas across the country and give them the opportunity to excel on the world stage,” sabi ni Allianz Philippines chief marketing officer Gae Martine,z na sinamahan ang delegasyon ng Pilipinas sa Munich.

‘‘For three years now, we have partnered with the Henry V. Moran Foundation for the Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI), a football competition that allows us to draft the deserving kids that we will send to the Allianz Explorer Camp.’’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy