Una sa Balita

Visperas, 4 pa sabak sa WMF 16th World Muay Thai C’ships

By
0 292

LALAHOK ang Pilipinas sa pamamagitan ng World Muay Thai Fed (WMF)-Philippines na kilala ring Kickboxing Association of the Philippines (KAP), Inc., at International Amateur Muay Thai Fed-Philippines (IAMTF-PHIL) Inc. sa isang torneo sa labas ng bansa.

Ang delegasyon ay pangungunahan nina Aurora Province Acting Vice Governor Atty. Christian M. Noveras at WMF-Philippine National Representative Rolando R. Catoy, team manager Wilson R. Oropilla, assistant team ma­nager Edgardo M. Geneta, P.R.O. Teo­doro R. Oropilla III, Gabriel G. Nadiahan, assistant coach Allan B. Visperas ng Aurora at trainer si Edwin S. Aliong ng La Union.

Ang mga pambato ng Pilipinas ay sina Arjay G. Visperas sa 48kgs men’s cadet, Marc Antoni G. Cabacungan sa 63.5kgs, Jervin Tuason sa 67kgs, Roldan Jameson O. Lingbanan, men’s 70kgs at Ronald Arthur C. Davies sa 75kgs.

Noong 15th WMF 2018 World Muay Thai Championships sa The ­Bazaar Hotel, Bangkok, Thailand, nakasungkit ng gold medal si Jervie Tiong­co sa pamamagitan ng isang malakas na sipa sa mukha ng Ruso na si Ivan Yemelynov sa huling sandali ng 3rd round sa kanilang men’s 51kgs ­final match.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy