Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

VisMin P2B pinsala sa mga pananim — DA

0 211

PUMALO na sa P2.2 bilyon ang damage na iniwan ng bagyong ‘Odette’ sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahan pa nilang tataas ito sa mga darating na araw.

Sa pinakabago nilang datos, sinabi ng DA na nasa 33,899 ang apektado ng pananalasa ni ‘Odette’ sa mga rehiyon ng Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao at Caraga.

Nagresulta ito ng production loss na 62,215 metriko tonelada ng mga produktong agrikultura,

Kabilang sa apektadong produkto ang bigas, mais, mga high value crop, livestock at pangisdaan.

Pinakanapinsala ang sektor ng bigas kungsaan naitala ang higit sa kalahati ng kabuuang pagkalugi sa P1.3 bilyon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.