Una sa Balita

Viscerion kumaripas sa 3-YO Maiden race

0 160

PAIKOT sa kuwentuhan ang mga liyamadista matapos manalo ang tinaya nilang si Viscerion sa Three-year-old & Above Maiden race noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Wala pang 200 metro mula sa largahan ay kinuha na agad ng liyamadong si Viscerion ang unahan at hindi na ito lumingon sa likuran hanggang sa pagtawid ng meta.

“Ang sarap ng pakiramdam kapag nanalo ‘yung pinili mo kahit maliit lang ay nakakalis ng pagod, libang-libang lang,” masayang sabi ni Sammy Valencia, mananaya sa OTB.

Ipinakita ni Viscerion ang kanyang tikas matapos manalo ng may anim na kabayo ang distansiya sa 1,200-meter race.

“Magaan namin nakuha ang unahan tapos sabi ko walang pressure kaya tinuloy-tuloy ko na ‘yung ayuda sakto naman noong dumikit sila All Heart at Captain Sully ay nakabuwelo na kami,” saad ni class A rider JA Guce.

Sumegundo si All Heart, tersero si Captain Sully habang pang-apat si Blue Mist.

Humamig si Viscerion ng karagdagang P10,000 premyo na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Samantala, nagwagi sa unang race si Always On Time sa Condition Race category 21 habang sumegundo at tumersero sina Wild Find at Wessfacckol ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy