Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Visayas, Mindanao uulanin – PAGASA

0 115

Patuloy na magiging maulan ang panahon na mararanasan sa Visayas at Mindanao dahil sa dalawang aktibong weather system na tail-end ng frontal system at Intertropical Convergence Zone (ITCZ), nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) na maaaring magkaroon ng pagbaha at landslide sa lugar.

“ang tail-end ng frontal system ito ‘yung area kung saan nagsasanib ang malamig na hangin na dala ng amihan at ang mainit na hangin na nagmumula sa Dagat Pasipiko. Kaya kapag nagsalubong po ang dalawang hangin na iyan ay nagkakaroon po tayo ng thunderstorms, ang ITCZ, naman ay ang hanging nanggagaling sa northern at southern hemisphere converge na syang nagdadala ng malaakas na pag-uulan”paliwanag ni PAGASA weather specialist Meno Mendoza.

Samantala ang Hanging Amihan naman ang syang nakaaapekto sa Luzon kaya patuloy na makararanas ng malamig na panahon. (Tina Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.