Una sa Balita

Visa free sa mga Pinoy sa Taiwan, 1 taon pa

By
0 165

PINALAWIG ng gobyerno ng Taiwan (Republic of China) ng isang taon ang visa-exemption prog­ram para sa mga Filipino. 

Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na tumatayong de facto embassy ng Taiwan sa Pilipinas, ang trial period sa programa ay pinalawig ng kanilang pamahalaan hanggang July 31, 2019.

Para makapasok sa programa, ang mga Filipinong bibisita sa Taiwan ay kinakailangang mayroong ordinaryo o regular passport na may bisa pa nang hindi bababa sa anim na buwan, mayroong return ticket o ticket para sa susunod na destinasyon, walang criminal record o record of misconduct sa Taiwan at mayroong patunay ng accommodation o hotel booking o kaya ay mayroong contact information ng taong pupunta­han sa Taiwan o patunay ng arrangement para sa pagbiyahe, mga lugar na bibisitahin o pagpupulong na dadaluhan sa Taiwan. 

Gayunman, hindi pasok sa visa free treatment ang mga may ba­lak na manatili sa Taiwan ng mahigit 14 araw o kung ang pakay ng punta sa kanilang teritoryo ay para sa pag-aaral, missionary works at trabaho. 

Layunin umano ng pinalawig na programa na ipakita na mahalaga ang Pilipinas bilang katuwang sa ‘New Southbound Policy’ ng Taiwan.