Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Virus vaccine 4th dose ilalarga sa Abril

0 133

Nakaumang sa huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo ang pagbibigay ng ikaapat na doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC) ito ay sa sandaling aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa pagbibigay ng 4th dose sa mga senior citizen at indibiduwal may comorbidity.

“Nag-propose na ang DOH [Department of Health] ng EUA for approval ng FDA for a 4th dose. ‘Pag naaprubahan ng FDA ‘yan within the month, then isasalang na ‘yong mga guidelines,” ayon kay NVOC Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Nabatid na pag-aaralan ng FDA kung ano ang mga karagdagang benepisyo ng 4th dose.

Samantala, sinabi ni Cabotaje na nasa 13% lamang o 11.7 milyon ang nagpa-booster shot.

Iginiit ni Cabotaje napatunayan na ang booster ay nagbibigay ng karagdagang proteksiyon noong kasagsagan ng Omicron surge. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.