Una sa Balita

Virus galing China umabot na sa Singapore, Vietnam

0 343

NAGKUKUMAHOG na ang mga Chinese official­ nitong Biyernes para makontamina ang coronavirus outbreak matapos lumobo sa 25 ang nasawi dahil dito habang nakapagtala na rin ng kaso sa Singapore at Vietnam.

Ayon sa National Health Commission sa Nikkei Asian report, 830 ang kumpirmadong kaso ng virus.

Ini-report ng Minis­try of Health sa Singapore na nakapagtala sila ng unang kaso ng respiratory virus sa isang 66-anyos na lalaking Chinese na nagmula sa Wuhan at dumating kasama ang kanyang pamilya noong Enero 20.

Naospital ang pas­yente matapos manatili sa Rasa Sentosa Resort & Spa sa Sentosa. Stable ang kondisyon niya at nasa isang isolation room sa Singapore General Hospital.

Dalawa pang bisita nilang Chinese na posibleng may infection ay isolated na rin.

Samantala, sa report naman ng mga Vietnam health official, dalawang­ Chinese sa kanilang bansa ang nadiskubreng taglay ang virus. Isang 66-anyos na lalaki at kanyang anak na lalaki.

Dumating ang ama sa Vietnam mula sa Wuhan, China noong Enero 13 saka sila nagkita ng anak niya sa Nha Trang.

Nagbiyahe pa ang mag-ama sa Ho Chi Minh City bago naospital dahil sa virus symptom noong Enero 22. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More