Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Virus case sa December 500 pababa na lang

0 206

Malaki ang posibilidad na makapagtala ng mas mababa pa sa 500 kaso ng COVID-19 pagpasok ng Disyembre.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang average ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases ay nabawasan ng mula 1,346 noong Nobyembre 14 hanggang 20 at naging 954 na lamang noong Nobyembre 21 hanggang 27.

Ayon pa kay David, ang one-week growth rate ng COVID-19 sa bansa ay nasa -29% ngayon, at ang reproduction number ay 0.34 naman. Kaugnay nito, ang average daily attack rate (ADAR) ay nasa mababa na sa 1 kaso kada araw sa bawat 100,000 populasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.