Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Virus case malamang 5 beses mas mataas sa DOH report – Dra Minguita

0 180

Maaaring mas mataas pa ng limang beses sa nauulat ang mga kaso ng COVID-19, ayon kay Partido Reporma senate candidate Dra. Minguita Padilla bunsod ng panuntunan ng Department of Health (DOH) na tanging health workers at vulnerable sector lamang ang i-test.

“‘Yong mga antigen test hindi rin nabibilang sa ulat ng DOH, so mas mataas pa talaga ‘yan. Pero hindi ‘yan cause of alarm sa publiko,” paliwanag ni Padilla.

Dagdag ni Padilla na mainam na maintindihan ng mga tao ang buong ulat na inilalabas araw-araw ng DOH upang hindi magkaroon ng panic at pagkabahala.

“From a public health point of view, tama yang ginagawa ng DOH na limitahan ang tests sa ating mga frontliner at vulnerable sector gaya ng mga senior at may comorbidity. Mukhang imposible na rin ang contact tracing sa widespread community transmission,” sabi ni Padilla.

Ayon sa doktora, mas importante ngayon ang pag-monitor ng bilang ng mga health care worker na naka-qua¬rantine para matantiya ang kapasidad sa mga ospital at pati ang dami ng mga na-a-admit kaysa bilang ng cases of infection.

Dagdag pa ng doktora na bagaman karamihan ng nagkakasakit ay nakararanas lamang ng mild symptoms, hindi dapat maging kampante ang lahat, lalo na ang mga ahensiya ng gobyerno, pagdating sa pagkalat ng Omicron variant.

Leave A Reply

Your email address will not be published.