Una sa Balita

Virginity

By
0 1,210

Minamahal kong tagabasa ng Walang Bolahan:

Inaasahan ko na masaya kayo na bumalik na ako rito sa Abante. Ayoko sanang umalis at, ina­asahan ko rin na ayaw rin ng aking mga bos­sing na umalis ako, kaya lang nu’ng panahon na ‘yon, kailangan mangyari ‘yun dahil kaila­ngan ako ng pamilya ko. Ang pangangailangan ng pamilya ko nu’n ay ma­tindi at tipong walang makakalutas kundi ako. Kasi naman, ‘di ba, lagi namang may problema sa ating buhay, at hindi naman puwede na aalis ka sa trabaho mo kapag mangyari ito. Kung ganu’n nga, papaano ka tatagal?

Pero minsan, kaila­ngan talaga, at ‘yung ang nangyari.
Nagpapasalamat ako sa Abante na kinuha nila akong muli. Nagpapasalamat din ako sa inyong lahat dahil siguro, katumbas ang pagmamahal ninyo, kagaya ng aking pagmamahal para sa inyo.
Maraming Salamat – MG Holmes

Virginity

Dear Dra Holmes: Mahalaga po pa rin ba ang virginity sa la­laki? Salamat po.
-Marie

Dear Marie:

Maraming salamat sa iyong sulat. Mahirap sumagot tungkol sa kahalagahan ng isang bagay dahil ang basehan nito ay hindi nababatay sa katotohanan pero sa opinyon.

Sa aking karanasan bilang sex therapist, ang mga tinuturing mahalaga ang ang virginity para sa kanilang magiging asawa ay, siguro mas o menos 60% ng kalalakihan.

Mayroong mga lala­ki na hindi katulad ng karamihan na nag-i-insist na virgin pa rin ang asawa nila.

Sa aking opinyon, ang mga lalaki na, hindi katulad sa mas o menos 60% ng kalalakihan ay ibang klaseng mga lalake talaga. Sila ay ‘yung mga lalaking hindi kaagad naghuhusga at nakakaintindi na minsan may mga malalim na dahilan kung bakit hindi na virgin ang kanilang magiging asawa.
Mayroon din silang code of ethics at set of values. Hindi sila tatanggap ng babaeng pakawala o nagkaroong ng napakaraming mga lalaking na nasipingan niya. Maaaring tanggap niya ang mga babaeng maraming boyfriend at partner bilang kaibigan, at inaasa­han ko na maraming ganoong lalaki.

Pero sa aking karanasan bilang sex therapist, mas mahigpit ang hinahanap ng isang la­laki sa kanyang asawa, kaysa kanilang kaibi­gan. After all, itong babae ang magiging nanay ng kanyang mga anak.

Pero naiinindihan rin nila na foul naman at super kitid ang isip nila kung hahamakin nila ang mga babaeng nakipagsiping (kahit lang isang beses) sa ibang lalake. Lahat ng mga babaeng ay may karapatang magkaroon ng asawang matapat at relasyong may malalim at matagal na pagmamahalan.
Inaasahan ko na natulungan kita, Marie. Ingat – MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyer­koles at Biyernes, at sa Abante TONITE tuwing Sabado. Sulatan siya sa kanyang website sa www.walangbolahan2018@gmail.com. I-LIKE mo rin siya Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter:
http://twitter.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy