Una sa Balita

Viray twins, Chef’s Classic papasiklaban ang Motolite

0 221

Mga laro Sabado/Agosto 17:
(FilOil Flying V Centre)
4:00pm — Motolite vs Chef’s Classic
6:00pm — Air Force vs BanKo Perlas

KAKABUGIN ng kambal­ na sina Nieza at Ella Viray ng Chef’s Classic Lady Red Spikers ang Motolite sa kanilang 4pm duel Sabado sa Premier Volleyball League Season 3 Open Confe­rence sa FilOil Flying V Centre.

Makakatuwang ng ‘killer sisters’ si former DLSU Lady Spiker Justine Tiu bilang kapitana ng Lady Red Spikers.

Bigo ang Motolite sa kanilang unang laban nitong Miyerkoles kontra defending champions Creamline Cool Smashers,­ 14-25, 15-25, 14-25.

Tanging si ace player Myla Pablo lamang ang nakasampa sa double digit sa pagkamada ng 11 points, 10 mula sa atake, at isang service ace para sa Motolite.

Banatan din ang Phili­ppine Air Force Lady Jet Spikers at BanKo Perlas Spikers pagsapit alas-6:00 ng gabi.

(Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy