Una sa Balita

Viray, Beda humabol sa semis

0 356

NAIS ni Nemesio Gavina na mas maging gutom ang San Beda University Red Spikers sa semifinals ng NCAA Season 95 Women’s Indoor Volleyball Tournament.

Swak sa final four ang Lady Red Spikers matapos sagpangin ang 25-19, 25-17, 25-19 panalo kontra Mapua University Lady Cardinals sa 17 points ni Ma. Nieza Viray Martes nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan, City.

“Na-secure na namin ‘yung Final Four so kailangan naming mas maging hungrier pa kasi papalapit na ‘yung semis,” namutawi sa SBY coach.

“‘Yung morale nila mataas tapos ‘yung maturity sa game nandiyan.”
Nilista ng Mendiola-based squad ang pa­ngalawang sunod na panalo, tangan na ang overall 6-2 win-loss record at makasalo a No. 4 ang University Perpe­tual Help System Dalta Lady Altas.

Masaya naman ang mga panatiko ng Beda dahil mas matagal pa nilang mapapanood ang kanilang paboritong team.

“Pasok sila sa semis kaya masaya ako dahil mapapanood ko pa ang San Beda,” saad ni Leny Concepcion na taga-Mendiola at isang tagasunod ng koponan.(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More