Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Viral ostrich ng QC pumanaw

0 449

Matapos gumawa ng ingay sa social media nang makitang pagala-gala sa isang private subdivision sa Quezon City, nasawi na ang isa sa dalawang viral ostrich dahil sa stress ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.

Pinabatid umano ng may-ari ng ostrich na si Jonathan Cruz na namatay na ang kanilang alaga. Gayunpaman, nais pa ring humingi ng pruweba ng DENR kung saan nakalibing ang nasabing ibon para mapatunayan ang pagkamatay nito.

Mula umano sa Misamis ang dalawang ostrich na dadalhin dapat sa Nueva Ecija. Tuloy ang imbestigasyon ng DENR sa insidente. Samantala, dinala na sa Biodiversity Management Bureau rescue center ang isa pang ostrich matapos itong boluntaryong ibigay ng may-ari. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.