Una sa Balita

Vintage bomb nahukay sa NAIA

By
0 14

Isang 2,000 pounder World War ll vintage bomb ang aksidenteng nahukay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat na natanggap ng Media Affairs Division (MAD) ng Manila International Airport Authority (MIAA) aksidenteng nahukay ng mga tauhan ng isang water company ang vintage bomb sa tapat ng dating Nayong Pilipino sa MIA Road, Pasay Ctiy

Ayon kay Airport Police officer Almond Bernabe nakatanggap siya ng tawag at humihingi ng police assistance dahil sa natagpuang vintage bomb sa hinuhukay na drainage system sa lugar.

Ang vintage bomb na isang 2,000 pounder ay nai-turn over ni APD Colonel Adrian Tecson sa Police Aviation Security Group para sa kaukulang disposisyon.