Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vintage bomb lumutang sa creek

0 58

Nahukay ng tauhan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang isang vintage bomb na nakabaon sa ilalim ng creek kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang Manila Police District-Police Station 4 alas-11:00 ng umaga mula kay John Rey Bragas, backhoe operator kaugnay sa nahukay na bomba sa Estero de Manila sa may Legarda Street sa likod ng Ramon Bus Terminal sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Bragas, inooperate niya ang backhoe at hinuhukay ang naturang estero para lumalim nang mapansin ang kakaibang bagay na sumabit sa ‘claw’ ng kaniyang backhoe.

Tiningnan ni Bragas ang sumabit sa claw at dito niya nakita ang kinakalawang na bomba.

Itinawag naman ng PS 4 sa Explosive and Ordnance Division ang nakitang vintage bomb na isang 105 millimeter projectile na isa sa ibinagsak sa Maynila noong giyera at hindi sumabog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.