Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vina ‘sinugod’ sina Robin, Mariel

0 273

Sa kauna-unahang pagkakataon tumungtong si Vina Morales sa bahay nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, para sa taping ng musical sitcom nilang “Kesaya Saya” sa Net25.

Nirepost ni Robin ang video ng manager niyang si Betchay Vidanes , mula sa pagdating ni Vina sa bahay hanggang sa buong kaganapan ng taping.

Matindi ang safety protocols na pinatupad ni Robin gaya ng swab test sa mga bisita. Pinagamit daw muna kay Vina ang kuwarto ng mga anak nina Robin para maging dressing room ni Vina.

Bugbog sa taping ang mag-asawa. Si Mariel ang cameraman, lightman. Si Robin ang tagabuhat ng mga set, audioman at iba pa.

Kahit natapos ang taping ng madaling araw, nagpuyat pa ang mag-asawa para i-preview at ayusin ang nakunang mga eksena.

Walang ilangang nangyari sa tatlo, kahit naging magdyowa sina Robin at Vina noon.

Jessie J concert kanselado

Bigo ang mga fan ng international singer na si Jessie J na mapanood siya sa concert dahil umatras nga siya dulot ng coronavirus.

Kanselado nga ang concert niya sa California sa Dec. 6. Balita nga ang paglobo ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa US.

Pina-refund na ni Jessie ang ibinayad ng mga manonood sa kanya.

Nangako naman siyang itutuloy ang concert kapag okey na ang lahat.

Si Jessie ay nakatunggali ni KZ Tandingan sa “The Singer” singing competition sa China.

Jaclyn Jose pinagtripan si Susan Roces

Lumabas ang pagiging kabaliwan ni Jaclyn Jose sa video post niya sa Instagram. In-impersonate ni Jaclyn si Susan Roces sa TV commercial nito tungkol sa mga gamot.

Ginaya ni Jaclyn ang hairstyle ni Susan sa TV ad saka sinambit at kinanta mga linya nito.

Nasa likod niya ang glam team na sumabay rin sa pagkanta sa kanya.

Pinalakpakan si Jaclyn ng mga follower niya dahil kuhang-kuha niya ang itsura ni Susan, maliban nga lang sa boses nito.

Tila napagtripan ni Jaclyn na gayahin si Susan dahil sa buhok nito.

Para maabsuwelto sa batikos, iginiit ni Jaclyn na playtime lang ang panggagaya niya kay Susan.

“My Tita Susan Love u po,” sabi ni Jaclyn.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.