Una sa Balita

VINA, SHAINA, SHEILA, WAGI SA ‘PAGANDAHAN’!

0 17

Nakakabilib ang husay sa negosyo ng magkakapatid na Vina Morales, Shaina Magdayao, at Sheila Magdayao-Moreno.

Imagine, 19 years na pala ang negosyo nilang Ystilo Salon. August 8, 1999 itinayo nina Vina at Sheila ang Ystilo Salon sa Fairview, Quezon City.

“Well I give all the credits to my sisters, sina Ate Sheila and Ate Vina. From the very beginning, ‘yung passion nila, they turned it into business kasi nga puro babae kami, so lahat mahilig magpa-hot oil, magpamasahe, magpa-foot spa.

“Ginamit nila ang passion nila, at heto nga, nag-boom. So, sinamantala nila ang opportunity at nag-aral sila ng haircut. Magaling sila sa hair-cut,” tsika ni Shaina. 

Ang vision daw ng Ystilo ay ‘to provide excellent customer service in every Filipino Community Worldwide.

“And our mission is to be the leader in the salon industry by providing the trendiest and updated hairstyles, providing reasonably priced products and offer excellent customer,” sabi pa rin ni Shaina.

Katunayan, ang mga senior hairstylist daw nila ay pinag-seminar pa nila sa Hong Kong at iba pang bansa.

“Iba kasi ‘yung tips and tricks na nakukuha nila sa ibang bansa. So, I guess more than running the business properly si­guro ‘yung pag-aalaga nina Ate Sheila at Ate Vina sa mga empleyado namin ang mas maha­laga.”

Sa kasalukuyan, uma­bot na sa 500 employees ang inaalagaan ng magkakapatid na Magdayao.

Sa ngayon, marami raw inquiries na gustong mag-franchise sa kanila, pero hindi nila tinanggap for safety and health reasons.

Ilan sa mga branches ng Ystilo ay matatagpusan sa SM Mall of Asia, Shoppesville Greenhills, SM City Fairview, SM City San Lazaro, Festival Mall, Nepo Mall, Dagupan City, Mabini St, Tanauan City Batangas, SM City Tarlac, SM City Calamba, Robinson’s Place Lipa Batangas, Abreeza Mall Davao City, at marami pang iba.

Magbubukas sila ng branch sa SM GenSan, Ystilo City Mall Koronadal, Ystilo Robinson’s Place Iloilo Jaro at Ystilo Manaoag, Pangasinan.

Hindi rin pahuhuli sa awards ang Ystilo. Nandiyan ang Most Outstanding Spanish Salon 2017, Star Brand Philippine Social Media Awards, Best Choice Awards 2015 for Trusted Beauty Salon (National), Entrepreneur for Beauty and Salon Industry, Outstanding Entrepreneurial Achievement Award for Excellent Customer Service 2015.

Wagi rin sila ng Ten Most Outstanding Entrepreneur for 2010, Best Homegrown Franchise, at marami pang iba, sa Entrepreneur magazine.

At bilang regalo sa mga loyal customers nila, may 50 % off sa lahat ng Premium Services at Hair Treatment tulad ng Hair Rebond, Hair Color, Kera Glaze, Aroma Hair, Remedy/Ultrasonic Iron and Keratin Treatment simula September 8-30, 2017.

Sa mga gustong mag-franchise ay maa­ring mag-email sa franchise@ystilosalon.com.ph o maaring tumawag sa (02)927-7532/445-0222 at 0917-3124208.