Una sa Balita

Vina nahihiwagaan sa relasyon nina Shaina, Piolo

0 2,340

Sa presscon ng Araw Gabi, nausisa si Vina Morales tungkol sa relasyon ng kapatid niyang si Shaina Magdayao kay Piolo Pascual, pero sinabi ng actress/singer na wala talaga siyang alam kung mag-ano na nga ba ang kapatid niya at si Papa P.

Wala naman daw sinasabi sa kanila si Shaina tungkol sa napapabalitang relasyon nito sa aktor. Parang nahihiwagaan nga si Vina, na natsitsismis si Shaina kay Piolo, samantalang wala namang naikukuwento sa kanya si Shaina.

Sa presscon naman ng Single/Single: Love Is Not Enough movie ni Shaina with Matteo Guidicelli, marami ang nag-akalang aamin na ang dalaga tungkol sa real score sa kanilang dalawa ni Papa P at ang expected nga ng lahat ay sasabihin niya na taken na siya, pero nang tanu­ngin kung ano ba ang kanyang relationship status, sinabing SINGLE siya.

Abante Hiring – IT dep

So, ibig sabihin, wala talaga silang relasyon ni Papa P?!

Hmph! Hindi kaya hindi pa lang talaga handa si Shaina na aminin ang tungkol sa kanila ni Papa P dahil mismong ang aktor naman ay hindi talaga umaamin ng tungkol sa kanilang dalawa?

Well, posible!

Anyway, ‘yung Single/Single: Love Is Not Enough nga pala nina Shaina at Matteo ay bale third installment ng series nila noon sa CinemaOne na naka-two seasons din.

Nagdesisyon nga raw na ‘yung pangatlo ay ga­wing pelikula na, na magsu-showing na sa May 2.

Billy, Coleen ginagawan ng away kina Anne, Luis

Naku, iniintriga naman ang ilang friends ni Billy Crawford na hindi nakapunta sa wedding nila ni Coleen Garcia sa Balesin island last week.

Pero sabi naman ni Billy, naiintindihan niya sina Luis Manzano, Anne Curtis at ang iba pa.

Si Luis nga, birthday rin daw at may work din, kaya hindi nakapunta sa kanilang wedding.

Si Anne naman daw, nag-marathon sa London at nag-congratulate pa nga sa kanya sina Billy at Coleen dahil nagawa niya ‘yon, so, walang intriga sa bagay na ‘yon.

Sabi pa ng bagong kasal, thankful sila sa lahat ng mga nagsipunta sa kanilang kasal at wala ring problema sa mga hindi nakarating.

Oo naman, in fairness sa dalawa, hindi naman sila ‘yung tipong magagalit na lang sa mga hindi nakapunta sa wedding nila, ‘noh?!