Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vin, Sophie bangungot karanasan sa virus

0 220

Bangungot para kay Vin Abrenica noong magkahawaan ng COVID-19 sa kanyang pamilya. Nagsimula raw ang lahat noong magkaroon sila ng family gatherin sa bahay nila noong Pasko, Bagong Taon.

Sunud-sunod ang nagkasakit sa kanila, kasama na si Sophie Albert at ang anak nilang si Avianna.

Noong dalhin daw sa ospital ang anak nila ni Sophie, hindi raw siya nakasama dahil naka-isolate siya sa isang kuwarto ng bahay nila. “Sinasabi kasi dati na malakas ang immune system nila when it comes to Covid but this time, sapol sila. Naririnig mo ‘yung torture na iyak ng baby mo tapos hindi siya makatulog at saka ‘yung paghinga raw sabi ni Sophie nagwi-whistle na. Sa panahon ngayon even babies… sa ospital ang daming babies ngayon at napakahirap kapag tinamaan sila,” kuwento ni Vin na nagnegatibo na sa virus.

Binalita rin ni Vin na papagaling na sina Sophie at Avianna. Dasal niya na ligtas sa sakit ang mga pamangkin niya sa kanyang Kuya Aljur (Abrenica) na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.