Una sa Balita

Vilma tumangging pakasal ulit kay Sen. Ralph

By
0 11

Working day para kay Congressman Vilma­ Santos-Recto ang araw ng silver wedding anniversary­ nila ni Senator Ralph Recto­ sa December 11. Meron siyang committee hearing sa araw na ‘yon pero bago ang anibersaryo, nakapagbakasyon na sila noong birthday niya last November.

Heaven para kay Cong. Vilma ang ten days na bakasyon na ‘yon kasama ang pamilya.

“Looking forward talaga ako in a year ‘pag birthday ko na may konting break kahit paano.

‘Yung kasama mo ang pamilya mo. Kuwentuhan lang,” saad ni Cong. Vi nang makausap namin sa office niya sa Kongreso.

At 25th wedding anniversary nila ni Sen. Ralph, huh!

“Oo nga eh! Si Ai Ai sa 12th ang wedding.

“Sabi ko nga, bakit mo sinunod sa wedding anniversary namin? Sabi niya, idolo niya talaga ako kasi pati wedding anniversary ko sinunod niya! Ha! Ha! Ha!

“Plans? Sinabi ni Ralph, ano ang gusto ko?

Travel o ikakasal ulit? Sabi ko, ‘We’ve been together­ for 32 years na.’

“Seven years kaming mag-on plus 25 years, 32 years na kami.

“Sabi ko, travel na lang ‘pag may time.

“Kasi kailangan ko rin ‘yon. ‘Yun lang ang time na nagiging sane ka! Ha! Ha! Normal!
“Normal, ‘di ba?” rason ni Mrs. Recto.