Una sa Balita

Vilma shocked sa eksena nina Sereno, De Castro

By
0 4,458

Ikinuwento ni Congresswoman Vilma Santos-Recto kina Arnold Clavio at Ali Sotto ng DZBB ang naramdaman niyang tension nu’ng maimbitahan siyang maging guest speaker sa 30th anniversary ng Philippine Women Judges Association (PWJA) nu’ng Huwebes.

Napagitnaan kasi siya sa presidential table ng Supreme Court Justice Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita de Castro.

Sa speech ni Cong. Vilma, sinabi niyang ang bigat-bigat ng kalooban niya nu’ng mga sandaling ‘yon.

“Pero bakit ang bigat ng loob ko? Puwede ba kuwentuhan na lang tayo?” bahagi ng speech ni Cong. Vi.

Ayon kay Ate Vi, matagal na siyang invited sa okasyon ng PWJA.

“Hindi ko naman alam na ganyan pala kalaki ‘yan. So ang theme nila is Fabulous at 30 kasi nag-celebrate din sila ng kanilang 30th anniversary.

“Hindi ko rin naman alam na doon pala ako malulugar sa gitna! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ate Vi.

“Nu’ng dumating ako, nandoon na ang pangalan ko. Sinalubong ako ng presidente ng PWJA in fairness naman kay Hon. Teresita de Castro at doon naman nila ako inilagay. ‘Yun na nga, sa seating arrangement katabi ko pala si Chief Justice Honorable Sereno at katabi ko rin po si Justice Antonio Carpio,” kuwento pa ng kongresista.

Tinanong si Ate Vi kung ramdam ang tensyon sa sandaling ‘yon.

“Yes! Totoo! Unang-una, pagdating ko, thank you na ako. Imagine, lahat ng kaharap mo, Your Honors! Kaya ang sabi ko, ‘Teka, iba na yata ang level ko. Your Honors sila lahat!’ So tensyon na ako pagdating ko pa lang!”

Bakit niya naramdaman ‘yung bigat ng loob.

“Naramdaman ko lang after ng mensahe ni Chief Justice. Kung makikita mo nga ‘yung picture, na-shock ako. Tumayo nga si Justice de Castro at binigay ang message niya na this is not the right time, place and time.

“I was just listening. Sabi ko, ‘Oh, my God!’ Then ‘yun nga, pag-upo eh ako na ang susunod eh. So pag-upo nga, kinausap din ako ni Chief Justice. ‘Look, Ate Vi! What’s happening?’ Doon ako natensyon!

“So nu’ng tingnan ko ang crowd parang tahimik, walang nag-uusap. Of course because of what happened. Kaya nu’ng pagdating ko sa podium, hindi ko na alam ang sasabibihin ko!

“Sabi ko na lang, ‘Ang bigat-bigat ng loob ko!’ Sinabi ko lang ‘yung totoong nararamdaman ko! Na ang maganda naman, I think the audience agreed with me,” paliwanag ni Cong. Vilma

“Kaya sabi ko na lang, magkuwentuhan na lang po tayo. Sabi ko, baka ma-make the ambience much lighter. So let’s just stay all fabulous kasi ‘yun ang theme nila eh,” pahayag pa niya.

“Diyos ko naman po. First time ko. Para makaharap mo itong mga kagalang-galang na tao and then, parang may ganoong tensyon. Ako rin po natensyon. So pagpunta ko sa podium, binanggit ko kung ano ang nararamdaman ko!” diin pa ng congresswoman. (Jun Nardo)