Una sa Balita

Vilma nakabangon sa mga utang, isa sa pinakamayaman sa Kongreso ngayon

By
0 2,778

Kasama sa Top 10 richest members ng House of Representative si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Base ito sa isinumite niyang Statement of Assets, ­Liabilities and Networth (SALN) nu’ng taong 2017.

Hindi na namin babanggitin ang halaga ng yaman ni Congresswoman Vilma. Basta malaki at kung tutuusin puwede na siyang magpahinga at hindi na kailangang magtrabaho.

Of course, open book na ‘yung pagkakalugmok sa pera ni Cong. Vilma noong napabayaan niya ang kanyang movie production. Nagkaroon ng utang sa BIR at ang mga bayad sa kanya kada pelikula ay dumaan lang sa mga kamay niya.

Pero nanatili siyang matibay at matatag sa pagharap sa problema. Nakabangon sa mga utang at naka­bawi bilang aktres.

Sabihan man siya noon na kuripot, hindi siya napipikon. Tuloy lang ang pagpapahalaga niya sa pinaghirapang pera sa pagiging aktres.

Of course, may mga luho rin si Cong. Vi dahil hindi naman siya yung tipong tinitipid ang sarili para hindi mabawasan ang pera. Pero hindi siya ‘yung tipong living beyond her means.

Perfect example si Ate Vi sa mga kabataang artista natin ngayon. Magtatabi ng pera para sa kinabukasan dahil ang pagiging artista ay hindi pangmatagalan, huh!

Once dumating ang suwerte sa isang artista, alagaan nilang ito at huwag pakawalan!

Pagluhod ni Buboy F. super viral

Everybody loves a winner! Na­ramdaman muli ni Senator Manny Pacquiao ang feeling na ‘yan dahil sa panalo niya kay Lucas Matthysse nu’ng Linggo.

Pero nu’ng matalo ang People’s Champ sa Australian boxer, panay ang banat sa kanya na mabagal na, dapat nang mag-retire. Binurang lahat ito ni Sen. Pacquiao na pawang papuri talaga ang tinanggap nang manalo.

Sa totoo lang, hindi lang galing sa boxing ang pinatunayan ni Manny sa laban niyang ito. Naipakita niyang hindi niya kailangan ang isang banyagang coach-trainer para magtagumpay.

Bukod sa panalo ni Sen. Pacquaio, victory rin ito para sa kanyang bagong trainer, ang kaibigan niyang si Buboy Fernandez. Nakuhanan ni KC Montero ang touching moment ni Fernandez sa ibabaw ng ring nang lumuhod at umiyak nang idekalarang panalo si Pacquiao!

“So proud of you Buboy! This win is also yours,” caption ni KC sa video sa Instagram na nag-viral.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More