Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vilma na-stress sa prank ni Luis

0 245

Nag-pledge si Rep. Vilma Santos ng P100,000 sa benefit show ng ABS-CBN para sa biktima ng bagyong Odette.

Sa huling araw kasi ng “Truth or Dare” ay si Luis Manzano, kasama sina MC, Lassy, Negi, ang nagpasaya sa mga Kapamilya para manghikayat sa mga kababayan na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang naging dare kay Luis ay i-prank ang kanyang ina. Noong una ay biniro niya pa si Ate Vi na may gusto raw sabihing importante si Negi sa kanya.

“Momsky, nandito ako nagla-live ngayon sa ABS dahil maraming may gustong kumausap sa iyo. Ngayon kasama ko si Negi, may gusto siyang sabihin sa iyo. Seryoso,” saad ni Luis.

Tanong ni Negi kay Ate Vi, “Ate Vi, nakwento lang po kasi sa akin. Totoo ba na nagma-marinate kayo ng tocino ng gantong oras? Sabi po kasi ni Kuya Luis eh.”

Sinakyan naman ng Star for All Seasons ang biro at sumagot, “Hindi, magma-marinate ako ng adobo.”

Pinaliwanag tuloy ni Luis na hindi niya kayang i-prank ang ina dahil mabilis daw itong ma-stress tuwing ginagawa niya ito.

“Momsky, FYI lang, naka-live tayo ngayon sa Facebook, YouTube, at kumu ng ABS-CBN dahil gumagawa kami ng paraan tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette,” sabi ni Luis kay Ate Vi.

Agad na tinanong ng beteranang aktres kung ano ang pwede niyang maitulong.

Sinagot naman siya ni Luis na pwede siyang maghulog ng stars sa Facebook o YouTube o magdeposito sa banko. Tinanong na rin niya ang ina kung may gusto itong i-pledge na amount o ibigay na mensahe sa publiko.

“Sige anak, matagal naman natin ginagawa iyan. I can pledge 100. 100,000 pesos,” saad ng kongresista.

Umabot na sa mahigit 140,000 pamilya ang natulungan ng ABS-CBN sa kanilang proyektong “Isang Daan sa Pagtutulungan.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.