Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vilma muntik mabosohan sa TikTok

0 143

Muntik masilipan ng panty si Lipa Congresswoman Vilma Santos sa TikTok video na binahagi niya sa Instagram.

Sa account name niyang @rosavilmasantosrecto, ipinakilala nya ang post na “TikTok time with my pamangkin, Carla!”

Mapapanood sa video na sumasayaw muna si Carla, at saka pumasok mula sa pinto si Vilma saka sasabay nang sayaw sa pamangkin.

Habang umiindak, unti-unting inililis ni Carla ang damit ng kanyang auntie na may slit sa gilid.

Nang makita ni Vilma na malapit nang lumabas ang kanyang panty, ibinaba nito ang laylayan ng suot at saka tumigil.

Tawa nang tawa si Ate Vi sa eksena sa pamangkin, at sa hindi nya inakalang mabobosohan siya ng kanyang mga tagahanga.

In fairness, sa edad ni Ate Vi, may asim pa rin ang kanyang hita na maganda pa rin ang hubog at walang bakas na lumaylay na ang balat nito.

Winner pa rin sa mga barako ang alindog ng veteran actress. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.