Una sa Balita

Vilma, Luis magkatuwang sa pagtulong sa Batangas

0 594

May nagtatanong, nasaan daw si Cong. Vilma Santos-Recto ngayon? Si Cong. Vilma ay ilang taon ding namahala bilang Gobernador sa buong Batangas, at Mayor din ng Lipa.

At sa nangyayari ngayon sa Batangas, nasaan nga raw si Ate Vi?

Well, hayun nga si Ate Vi at abala rin sa pagtulong sa kanyang mga constituent.

Makikita naman sa Instagram account ni Ate Vi ang pagbibigay ng mga kailangan ng mga biktima, tulad ng pagkain, tubig ang iba pa.

“Ongoing efforts to provide assistance to our fellow Batagueños who have been severely affected by the Taal eruption,” sabi lang ni Ate Vi.

Makikita nga ang mga photo niya na kasama niya ang mga biktima, at isa-isa nga niyang nilapitan ang mga bata na naapektuhan ng pagsabog. At makikita rin sa mukha ng mga nanay na nasa paligid ang kaligayahan na dinalaw sila ng kanilang mahal na Ate Vi.

Sabi nga nila, malaking tulong na makita nila si Ate Vi, na kahit saglit nga naman ay nakakalimutan nila ang pinagdaraanan nilang hirap.

At sa mga kumukuwestiyon naman sa anak niyang si Luis Manzano, kung may naitulong na ba ito sa mga taga-Batangas, mababasa rin sa IG ni Ate Vi ang pasasalamat niya sa anak.

“Maraming Salamat sa tulong mo, anak. I love you, Lucky! @luckymanzano,” say ni Ate Vi sa mga photo ng kahon-kahong pagkain na ipinadala ni Luis.

Well, hindi na nga kailangan ni Luis na ibandera ang pagtulong na ginawa niya. Palagi nga ay katuwang siya ni Ate Vi sa pagbibigay ng aid sa mga biktima.

Kaya ang mga tagahanga ni Ate Vi, saludo rin kay Luis.

jollie25: “Salamat po, at kay Luis na napakabait at sa lahat ng tumutulong. God bless you all!”

marissapascual: “Sabi na eh matulungin talaga si Luis kung ano pa sinasabi ng mga fans ng kabilang kampo.”

chariedelle: “Prayers for Batangas and nearby towns. You’re so lucky to have a good son. Tama lang po binigay mong nickname niya, napakabait na anak kaya trifolds ang balik ng swerte sa kanya.”

lea12c: “Di Lang mahilig mag-promo or media si Luis . Buti na lang Ate Vi nag- recognize niya si Luis sa pag-help. Cguro Dahil sa mga bashers. Walang humpay. Criticizing him Dahil sa mask. I like Luis n of course love ko si Ate Vi!”

Sabi nga ni Ate Vi, ‘Sama-Sama Tayo’, ‘Magtulungan Tayo’, ‘Bangon Batangueño’. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More