VILMA, KAKAMPI NG MGA BADING/ TOMBOY SA KONGRESO!

By

Vilma Santos
Vilma Santos

O, ‘di ba? Talagang isa sa magigiting na supporter ng LGBT community ay walang iba kun’di ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos na congresswoman ngayon ng Lipa City.

Isa sa mga unang bills na kanyang isinumite bilang kongresista ay ang House Bill No. 2952 na kung saan ay isinusulong niya ang pagkaroon ng protection desks para sa LGBT community sa lahat ng mga police stations.

Mukhang counterpart ito ng Women’s Desk para naman sa mga naaaping mga kababaihan na meron na sa mga police stations sa ating bansa.

Para nga sa kanya, kailangan ding magkaroon ng tamang venue para sa mga reklamo ng nasa ikatlong lahi dahil marami rito ang nakakaranas ng mga pang-aapi, diskriminasyon at iba pang uri ng harassment, pero hindi nakakapagsumbong dahil sa takot na mas lalo pa silang apihin o walang makikinig sa kanilang mga reklamo.

Pero, kung maisasakatuparan ang nasa­bing bill, aba, alam na nga ng ating mga kafatid kung saan sila pupunta at magsusumbong. Mas magiging feeling secured sila, kumbaga.

Dahil dito, mas lalong tumaas ang paghanga ng LGBT community kay Ate Vi dahil alam nila na me­ron silang totoong kasangga sa congress na ang layunin ay mas lalong bigyan ng dignidad ang pagkatao ng mga ‘naaaping’ miyembro ng society.

Mabuhay ka, Cong. Vi!


SHARE