Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vilma iniyakan mga pumanaw na fan

0 206

Emosyonal, naluha si Batangas Rep. Vilma Santos nang alalahanin ang mga pumanaw niyang mga fan. Binalikan kasi ni Ate Vi ang Metropolitan theater sa Manila, at nagbalik nga sa ala-ala niya ang mga nakaraan.

Hindi pa naman All Soul’s Day para muling balikan ni Ate Vi ang mga namatay niyang mga tagahanga, pero hindi naiwasan ng Star for All Seasons ang maluha sa kuwento niya kung paano naging bahagi ng kanyang programa ang mga may edad na niyang mga panatiko.

Matapos ang ilang dekada, ngayon nga lang bumalik si Ate Vi sa MET,na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Halos siyam na taon daw nag-show ng live si Ate Vi sa MET.

Ang mga fan niya ang naging sentro sa Part 1 ng vlog kung saan ikinuwento ni Ate Vi, na maraming mga matatanda ang pumipila para makapanood ng live sa kanya.

Ang upuan sa harap ng stage ay hindi pinapaupuan ng production dahil inilalaan niya ito sa mga fan niyang pumanaw na lalo na ang mga matatanda. Nilalagyan nila ito ng itim na ribbon bilang pag-alala sa mga ito.

Sa puntong ito, napaluha si Ate Vi habang nagkukuwento dahil sa pasasalamat niya sa mga tagahanga na sumuporta sa kanya sa buong karera nya sa telebisyon.

Maraming ala-ala si Ate Vi sa nasabing teatro na ibabahagi niya sa part 2 ng kanyang vlog.

Kasama niya sa pagbisita sa MET sina QC Councilor Aiko Melendez, ang dating executive producer na si Chit Guerero, dance director niyang si Maribeth Bichara, at Roderick Paulate.

Lea nalungkot sa pagkatalo ng BTS

Tinutukan talaga ni Lea Salonga ang Grammy Awards, na ang major intention niay ay mapanood ang paborito niyang Korean group, ang BTS.

Consistent sa pagiging avid fan si Lea, na kaya niyang dedmahin ang ibang Western, European singer, pero hindi ang BTS.

Nasa tweet ni Lea ang pagtutok niya sa production number ng BTS.

“Okay, can we talk about @BTS_twt’s Grammy performance with Jung Kook’s entrance from the ceiling, V whispering in Olivia’s ear, Jin hacking everything and the dance break? That took me right out! Sooooo good! #Grammys,” sabi ni Lea.

Siyempre, sad si Leao sa pagkatalo ng BTS na masungkit ang award, pero lumikha sila ng ingay dahil sa mainit nilang performance, at sa pagbulong ni V sa tenga ni Olivia Rodrigo.

Maggie palaban sa sumpa ng kalaban

Nagsiguro na si Maggie Wilson sa kanyang kaligtasan at malayo sa mga bad element, sa pamamagitan ng isang itinuturing na pangontra na pinalagay niya sa kanyang katawan sa Thailand.

Nagpa-tattoo si Maggie sa likod ng mga symbol na tinatawag na “Sank Yant Tattoo.” May kahulugan ang bawat na linya sa tattoo ni Maggie. Ang una ay pigilan ang unjust punishments at papabor sa kanyang ninanais, maglilinis ng mga hindi gustong espiritu at puprotekta sa kung saan man ito naroon o naninirahan.

Ang ikalawa ay magsisilbing kalasag sa bad horoscope constellation pati na sa bad fortune sa sinumang meron nitong tattoo.

Ang ikatlo ay nagsasabing puprotektahan ang sinumang meron nito mula sa kulam o anumang sumpang ibibigay ng sinuman.

Sa pang-apat at pang-lima ay pawang mga magbibigay ng good energy kay Maggie sa pag-ibig, tagumpay, suwerte sa mga future ambitions nito at lifestyle.

Bago sumalang sa tattoo, dumaan muna sa ritwal si Maggie.

Medyo matagal na ang actress-beauty queen sa Thailand. Walang makapagsabi kung dito na ba ito maninirahan o sadyang bakasyon lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.