Una sa Balita

Vilma ginamit sa panloloko,paninira

By
0 689

Humingi ng tulong si Luis Manzano na i-report ang poser ng inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa Twitter gamit ang user name na @VilmaSantosRecto.

Matagal na pala ang poser niyang ‘yon, ayon kay Ate Vi nang hingan namin ng reaksyon thru text. May kinalaman sa nabalitang engagement nina Luis at girlfriend na si Jessy Mendiola ang tweet kaya pinalagan na ito ng TV host-actor.

“I am happy to announce that my son @luckymanzano and @JessyMendiola is now engaged… I’d be a lola soon…” tweet ng fake account.

Walang Twitter account si Cong. Vilma kaya inalam niya kay Lucky ang laman ng tweet at bumalik sa amin.

“My gosh…do you think ako ang klase ng tao na magsasalita ng ganun??? NO IT’S NOT ME AND I DON’T HAVE A TWITTER ACCOUNTT!!!

“Matagal na na niyang ginagawa ‘yun!!! Noon pa! FAKE NEWS!!! Ikaw na bahala Jun and some friends sa press!!! Will see you soon pag resume ng office!!!” reaksyon ni Cong. Vi.

“Kilala naman ako ng mga tao na hindi ko magagawa ‘yun. That’s not true!!!!” diin ni Ate Vi.

Sa totoo lang, pagdating sa personal life ni Luis, never na nagsalita tungkol dito si Ate Vi. Kahit meron siyang alam, nandoon pa rin ang respeto sa anak niya lalo na’t may pangalan din siyang iniingatan.

Ang alam namin, meron siyang official Facebook page pero ‘yung activities niya bilang congresswoman ang nakalagay roon. But never niyang ginamit ito para magbigay ng announcement lalo na tungkol sa personal life ng anak.