Una sa Balita

Vilma feeling heaven sa Hong Kong with Ralph, Ryan

Happy birthday Ate Vi:

0 1,001

abante-i-know-better-jun-nardoHeaven ang feeling ni Congresswoman Vilma Santos-Recto habang nasa Hong Kong para i-celebrate ang kanyang 60 plus birthday last November 3 dahil kasama niya si Senator Ralph Recto at anak nilang si Ryan Christian, Ate Emily, kapatid na lalaki, Sonny Boy, mga pamangkin at iba pa.

Sa isang foto mula kay Jojo Lim, National President ng kanyang global fan club, kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Ate Vi habang kasama sina Sen. Ralph at Ryan Christian!

Si Luis Manzano naman, throwback pictures ang pinost niya sa kanyang Facebook at Instagram bilang pagbati sa kanyang Momski. “You’re the nest! Love you!” mensahe ni Luis.

Of course, hindi rin nakalimot si Ai-Ai delas Alas na batiin sa IG ang idolo at kaibigan.

“Happy-happy birthday sa aking idol forever ang nag-iisang Congresswoman Vilma Santos Recto… I love you Ate Vi forever walang kupas kailanman…GOD BLESS YOU MORE,” caption ni Ai sa pic ni Cong. Vilma.

Para kay Ate Vi, nangunguna pa rin ang kanyang pamilya pagdating sa prayoridad niya ngayon. Sila ang malaking dahilan kung bakit tumatanggi siya sa nanliligaw sa kanyang maging Bise Presidente o Senador, huh!
Happy, happy birthday, Ate Vi!

 

Marian, Dingdong super lambingan sa kabukiran

Naglambingan sa gitna ng kabukiran ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinost ng Kapuso Primetime King sa kanyang Instagam.

Agad naman nagkomento si Vice Ganda sa post ng co-actor niya sa festival movie nilang Fantastica na dahil bagay sila eh siguradong magkakatuluyan sila.

Tugon naman ni Dong, “Medyo pakipot!” pa raw si Yan Yan, huh!

Sa ngayon, focus si Dingdong sa series nila ni Dennis Trillo na Cain at Abel. Bago ang telecast nito, makikitakbo muna siya sa November 18 sa event na #Happiest5K on the Planet na gaganapin sa Filinvest City Events Ground sa Alabang kasama ang ilang Kapuso stars at DJs ng Barangay LS 97.1