Una sa Balita

Vilma binigyan ng P1M ni Willie

0 544

Isang milyong piso ang ibinigay na donasyon ng WBR Productions ni Willie Revillame para sa nasalanta ng bulkang Taal sa probinsya ng Batangas.

Ibinigay ni Willie ang tseke kay Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto last Monday sa live presentation ng show niya.

Sa halip na mag-celebrate ng kaarawan, nagbigay-daan si Wil upang tumulong sa kababayan natin na mga biktima ng Taal Volcano. Inilaan niya ang araw na ‘yon sa pagtulong kasama ang ilang Kapuso stars sa pagbabalot ng relief goods para ibahagi sa mga biktima.

Naging instant fans ni Congresswoman Vilma ang mga baguhang artista ng network na sinamantala ang pagbisita niya upang magkaroon ng picture sa kanya.

Gloria Diaz nalambutan sa boobs ni Lotlot

Nagtomboyan sina Lotlot de Leon at Gloria Diaz sa digital movie na “Beauty Queens”. Kasama ni Lotlot si Gloria, at mukhang may intimate scenes sila.

Kuwento ni Balot sa chikahan nila ni Gloria, “Sabi niya sa akin, ‘Ang lambot ng boobs mo!’ Ha! Ha! Ha! Sabi ko, ‘My God!’

“Pero it’s so nice to work with her. For someone like her, she’s so game and so passionate about what she does.”

Wala ba silang ilangan ni Gloria?

“Wala naman. Siyempre nu’ng una may konting nerbyos pero wala naman.

“Nag-usap muna kami bago gawin ‘yung mga eksena. We don’t cross the line para walang ilangan,” saad pa ni Balot.

Teka, may nanligaw ba sa kanyang tomboy noon?

“Wala naman. Siguro hindi lang ako marunong tumingin. Ang nagpalaki sa akin mga lesbiyana. Sa akin it’s something that is normal. It’s part of being human,” rason ni Lotlot.

Nakausap ng press si Lotlot nang pumirma siya ng kontrata bilang bagong artist ng LVD Management for three years.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More