Una sa Balita

Villavieja tigasin sa Alberta Rapid Chess

0 418

KAMPEON si Filipino chess wizard Butch Villavieja sa katatapos lang na 2020 Alberta, Canada Rapid Chess Championship na ginanap sa Alberta, Canada.

Nakakolekta ang Canada-based na si Villavieja ng six points sa seven outings.

Si Villavieja na dating top player ng pamosong Rizal Chess Park sa Luneta, Manila ay nakapagtala ng panalo kontra kina April Wang sa first round, Jonathan Wu sa third round, Anand Chandra sa fourth round, Vassil Dimitrov sa fifth round, Hemant Srinivasan sa sixth round at Angelo Tolentino sa seventh at final round.

Nalasap ni Villavieja ang nag-iisang pagkatalo sa kamay ni Patrick Tolentino sa second round.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More