Una sa Balita

Villar sinisi sa pagbagsak ng agrikultura 

By
0 1,162

SINISISI ng mga magsasaka si Senador Cynthia Villar sa pagsadsad ng sektor ng agrikultura na naghila pababa ng ekonomiya ng bansa noong nakaraang taon.

Si Villar ang chairman ng Senate committee on agriculture samantalang ang kanilang pamilya naman ay kilalang nasa negosyo ng real estate at marami nang kinonvert na irrigated agricultural lands para sa murang pabahay.

Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), ang paghihikahos ng sektor ng agrikultura ay pinalala pa ng mahinang implementasyon ng batas tungkol sa land conversion at ang kabiguan ng committee on agriculture na hawak ni Villar na aksyunan ang mga panukala tungkol sa land use policy.

“We all know ­Villar’s connection to the real estate business,” sabi ni FFF national business manager Raul ­Montemayor.

Sabi niya, matagal nang inirereklamo ng mga magsasaka ang ­illegal conversion ng mga bukid na siyang dahilan kung bakit kumonti ang kanilang mga ani.

Tinanong ng Abante ang tanggapan ni Villar tungkol sa isyu ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag.

Pinapa-veto ng FFF ang rice tarrification bill na inakda ni Villar sa Senado na magiging ganap na batas ‘pag hindi inaksyunan ng Presidente sa loob ng 30-araw pagkasumite nito ng Kongreso sa Malacañang.

Ayon sa FFF, kaila­ngang itama ang ilang provision ng batas lalo na ‘yung magtatali sa kamay ng pamahalaan sakaling sumipa ang presyo ng bigas sa future pati na ang pagresponde nito sa mga emergency sa darating na panahon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy