Una sa Balita

Villar purnada kudeta kay Sotto

0 499

TINANGKA umano ng paksyon ni Senador Cynthia Villar na agawin ang puwesto ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kasagsagan ng usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Abante, si dating Special Assistant to the President at Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang nagmaniobra para mapalitan si Sotto.

Tingin kasi ni Go, mapapahiya si Pangulong Rodrigo Duterte kung mismong kaalyado niya sa Senado ang mangunguna sa paghahain ng petis­yon sa Supreme Court (SC) para kuwestiyunin ang legalidad ng termination ng VFA kahit walang concurrence ng Senado.

Ang planong ito ay natunugan ni Sotto kaya agad na pinulong sina Senador Panfilo Lacson at dating Senador at ngayon ay DICT Secretary Gregorio ‘Gringo’ Honasan na siyang bumubuo ng ‘Macho bloc’ sa Senado.

Pinalakas umano ng ‘Macho bloc’ ang kanilang puwersa upang maprotektahan sa puwesto si Sotto.

Natunugan naman ni Go ang paglakas ng puwersa ni Sotto kaya hindi na tinuloy ang plano na iluklok si Villar.

Naglabas pa ng pahayag ang senador na maganda ang relasyon ng Ehekutibo sa Senado kaya hindi magagalaw si Sotto.

“The Senate is a collegial body. It is not composed of only one person. As far as I know, majority of the sitting senators still trusts the leadership of Senate President Tito Sotto III,” pahayag ni Go sa isang statement.

“And, so far, to my knowledge, no one has explicitly signified any intention to replace SP Sotto,” dagdag pa niya.

Naunang sinabi ni Lacson na handang masibak sa puwesto si Sotto sa paninindigan nito sa VFA.

Naluklok na Senate President si Sotto noong Mayo 2018 dahil sa term-sharing agreement kay Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III. Muli siyang nahalal noong Hulyo 2019 nang umatras si Villar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More