Una sa Balita

Villar nilektyuran sa research

0 619

Nanindigan ang grupo ng science and technology advocate sa kahalagahan ng pagsasaliksik upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura gayundin ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Ito ang pinamukha ng Food Security and Self-Sufficiency Committee ng Advocates of Science and Technology for the People (Agham) kay Senador Cynthia Villar matapos nitong sabihin sa Senate hearing noong nakaraang linggo na baliw na baliw sa research ang Department of Agriculture (DA) dahil sa paglalaaan ng P150 badyet sa research sa ilalim ng National Corn Program

“We would like to dispute Senator Cynthia Villar’s statement belittling the importance of research to agricultural development. We would like to assert that strong research, together with genuine land and pro-farmer reforms, plays a vital role in developing the country’s agriculture, achieving food security and uplifting the lives of our farmers,” diin ng grupong Agham.

Binanggit ng grupo na dahil sa tinitipid sa pondo ang agriculture research, ito ang dahilan kung bakit hindi umaangat ang science and technology sector para mapabuti ang lagay ng bawat Pilipino.
Base sa data ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ang Gross Domestic Expenditure sa Research and Development ay subsob sa nakadidismayang 0.1% lamang, masyadong mababa sa 1% standard na tinakda ng UNESCO.

“The R&D (research and development) expenditure of the country pales compared to neighboring countries such as Vietnam (2.4% ) and Malaysia (1.3%),” ayon sa grupo.

Pinitik din ng Agham si Villar dahil sa minamaliit umano ng senadora ang kahalagahan ng research sa pagpapaunlad ng produksyon ng mais. Ipinapakita lang umano ni Villar ang kawalan niya niya ng interes sa kontribusyon ng siyensiya para mapaunlad ang ating agrikultura.

Sa isang press conference naman nitong Miyerkoles, nagpaliwanag si Villar na hindi naman siya kontra sa research kundi pinapaliwanag lamang niya na dapat ay pinapatupad ang resulta ng research.

“I am not against research [pero] hindi naman puwedeng puro research, walang application of the research,”depensa ni Villar.

“I want a research that could be applied,” dagdag pa niya.

Sa budget hearing noong Oktubre 9, sinabi ni Villar na matalino siyang tao pero hindi niya maintindihan kung bakit gumagastos ng malaki ang DA sa research.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy