Una sa Balita

Villar nalusutan sa P400M ghost projects

0 23

Ibinunyag ng isang mayor ang ‘di umano’y ghost projects na nagkakahalaga ng halos P400 milyon sa Lubang Island, Occidental sa ilalim ng pamumuno ng isang ‘overstaying’ na district­ engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang isa sa mga nakatiwangwang na road projects sa Lubang Island. (Dindo Matining)
Ang isa sa mga nakatiwangwang na road projects sa Lubang Island. (Dindo Matining)

Sa liham na ipinadala­ ni Lubang Mayor Roberto­ M. Sanchez noong ­Hunyo 20, 2017 kay DPWH Secretary Mark Villar, sinabi nitong bagama’t inihayag­ ng kagawaran na high percentage ang accomplishment nito sa karamihan ng kanilang mga proyekto­ doon, taliwas umano ito sa aktuwal na pangyayari dahil karamihan sa mga proyekto ay hindi pa natatapos habang ang iba nama’y hindi pa nasisi­mulan.

“We wish to point out the reported high percentage of accomplishments of DPWH on most projects while the actual­ works done are low or the projects have not even started,” sabi Sanchez sa kanyang liham.

Paniwala ni Sanchez,­ maaaring nai-release na ang pondo para rito at nabayaran na ang mga contractors ng ghost ­projects.

“It is presumed funds have already been disbursed and paid to contractors thus making them essentially ghost ­projects,” ayon kay Sanchez.

Hinikayat pa ni Sanchez si Villar na magsagawa ng full audit sa lahat ng proyekto ng DPWH sa Lubang Island para matukoy kung nalugi pa ang gobyerno at papanagutin ang mga opisyal ng kagawaran na responsable sa kanilang kapabayaan sa naturang mga proyekto.

“We want to… deter­mine the damage or losses­ suffered by the government and pinpoint and prosecute public officials­ responsible for these gross misdeeds, disho­nesty, dereliction of duties and responsibilities,” ayon sa Lubang mayor.

Noong Enero 27, nagpadala ang DPWH ng audit team sa Lubang Island para i-verify­ ang alegasyon ni Sanchez at napatunayan namang totoo ngang may ghost projects ang DPWH­ sa isla. (Sundan bukas: Road projects idide­talye)