Una sa Balita

Villar nagbigay ng 1 bag na pera kay Duterte

0 555

Tiniyak ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang suporta kay dating Senador Manny Villar sakaling magdesisyon itong tumakbong presidente sa halalan 2022.

Inihayag ito ng Pangulo sa proclamation rally ng Partido Demokratikong ­Pi­lipino (PDP)-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ikinuwento ng Pangulo ang pagtulong sa kanya ng mag-asawang Manny at Cynthia Villar noong panahon ng eleksyon kaya’t susuklian niya ito ng suporta kapag nag-presidente ang dating House Speaker.

“Twice kami nag-usap ni… Noong congressman ako… nag-dinner kami ­‑‑‑diyan sa EDSA — sa Chinese — EDSA plaza. Nagdala siya ng pera sa bag. Sabi niya, ‘pang-umpisa mo lang kung gusto mo lang tumakbo, ‘pag hindi, iyo na ‘yan.’
“So pinag-isipan ko. Nu’ng talagang ano na — ang kampanya papalapit na. Si Ma’am pati si Speaker tinawag nila ako, isang hotel na suite, malaki, may sala. Usap kami. Sabi niya, sabi ni Speaker pati ni Ma’am, ‘Rody, tumakbo ka. Baka makatulong ka pa sa ba­yan,’” kuwento ng Pangulo.

Dahil dito, sinabi ng Presidente na nakahanda siyang suportahan si da­ting senador Manny Villar sa 2022 sakaling makapagdesisyon ito na pagsilbihan ang bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy