Una sa Balita

Villar luhaan: Senate Presidency wala nang kawala kay Sotto

0 482

MANANATILI sa kanyang puwesto si Se­nate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa 18th Congress matapos ang miting sa mga nakaupo at incoming senators nitong Miyerkoles, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“Yes, It’s still Senate President Sotto,” pagsisiwalat ni Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na naayos ni Sotto ang problema sa hatian ng mga komite na siyang nire­reklamo umano ng mga baguhang senador kaya’t umugong ang balitang itinutulak si Senador Cynthia Villar na maging Senate President.

Hindi sumipot sa naturang miting sa bahay ni Senador Manny Pacquiao sa Dasmariñas Village sa Makati si Villar.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroong suporta ng 20 senador si Sotto.

Pinawi naman ni Sotto ang agam-agam ng publiko na magi­ging sunod-sunuran ang Senado sa administrasyong Duterte.

Sa isang text message, isiniwalat naman ni Sott­o na 95% nang tapos ang distribusyon ng mga komite. “Just one or two committees na lang.”

Ang Senate committee on local government na pinamumunuan ngayon ni Senador Sonny Angara, ay mapupunta kay Senator-elect Francis Tolentino. Si Tolentino, Senator-elect Imee Marcos at Pia Ca­yetano naman ang pinagpipilian na maging chair ng Senate committee on ways and means.

Puntirya din ni Marcos ang Social justice, welfare and rural development na hawak ngayon ng detinadong Senador Leila de Lima. Gusto naman ni Senator-elect Bong Go na pamunuan ang health, education, sports o housing. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy