Una sa Balita

Villar bokya sa singil utang

0 333

BINASURA ng Commission on Audit (COA) ang P24.2 milyong claim ng Prime Water laban sa ‘state-run’ Jaen Water District (JWD) sa Nueva Ecija para sa joint venture agreement noong 2016.

Ayon sa nilabas na desisyon ng COA noong Enero 27, nabigo ang Prime Water Infrastructure Corporation ng mga Villar na magpakita ng dokumentasyon sa sinisingil nilang pagkakautang umano ng JWD.

Ang petisyon ay isinampa ng Prime Water noong Hunyo 2018.
“Without the required documents to prove compliance and the duly accounted amount prayed for, this commission is constrained to deny the petition,” ayon sa COA.

Pinayuhan naman ng ahensiya ang kompanya na muling maghain ng petisyon kalakip ang mga karampatang dokumento at sertipikasyon mula sa JWD na walang naganap na bayaran sa transaksyon.

“It is incumbent upon PrimeWater to present evidence that the amount claimed is accurate, such as its financial statements under the [joint venture agreement], supported by schedules of revenues, operating expenses, capital expenditures, and changes in the working capital,” diin ng COA.

Ang JWD ay pumasok sa joint venture agreement sa Prime Water noong Oktubre 2016 para sa “financing, development, rehabilitation, expansion, improvement, operation, and maintenance of the water supply and septage management system” para sa munisipyo ng Jaen, Nueva Ecija.

Ang operasyon nito ay nagsimula noong Ene­ro 2017 ngunit dahil wala pang business permit ang Prime Water noon, ang mga official receipt ay nanggagaling sa JWD, kabilang ang bayad ng mga customer. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More